Iginiit ni Masa Sara Duterte Alliance Founding Convenor Ben Ranque na katawa-tawa at walang batayan ang inirerekomendang ₱50 million na reward ng DILG laban kay Senator Bato Dela Rosa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, nilinaw ng lider na walang kahit isang warrant of arrest na inilabas ang korte laban sa senador.
Ipinahayag pa ni Ranque na isa lamang itong walang katuturang hakbang at malinaw na pagtatakip sa mga totoong isyu sa gobyerno.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa publiko na mag-ingat at huwag magpaloko sa mga isinasagawang maniobra sa bansa.











