Nagtala ng “highly satisfied” na marka ang Police Regional Office 10 mula sa mamamayan matapos ilabas ng Malacañang ang resulta ng survey ng USTP para sa unang bahagi ng taong 2026.
Ayon kay Presidential Communications Office Spokesperson Atty. Claire Castro, malaking pag-unlad sa seguridad ang natamasa sa rehiyon partikular na sa lungsod ng Cagayan de Oro dahil sa patuloy na pagbaba ng insidente ng krimen.
Upang mas mapalakas pa ang seguridad, higit pang pinalakas ng kepulisan sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Nestor Babagay Jr. ang kanilang police visibility sa gabi at madaling-araw.
Subalit sa kabila ng magandang resulta, ipinaalala ng Malacañang na ang kapayapaan ay hindi lamang responsibilidad ng kepulisan kundi bunga ng pagmamalasakit at pagtutulungan ng buong lipunan.











