Naitala ng Aviation Security Unit 10 ang pagdagsa ng humigit-kumulang 5,500 hanggang 6,600 na pasahero sa Laguindingan Airport bawat araw sa gitna ng pagdiriwang ng Undas.

Ayon kay AVSEU-10 Assistant Chief PLTCOL Mardy Hortillosa II, noong Oktubre 31 naitala ang pinakamataas na dagsa ng mga bumiyahe na umabot sa 6,600 overall departure at arrival.

Ang naturang pagtaas ng tao ay nagmula sa 26 hanggang 28 na flights na bumiyahe sa paliparan bawat araw.

Bunga nito, mahigpit na binantayan ng tanggapan ang daloy ng mga biyahero mula sa pagsisimula ng unang flight sa alas-4 ng umaga hanggang sa huling flight sa alas-11 ng gabi.