Matapos ang maayos na obserbasyon ng Undas 2026, nakatutok na ngayon ang Police Regional Office-10 sa seguridad para sa darating na Vice Mayors’ League National Convention at sa ‘Ligtas Paskuhan 2026’.

Ayon kay PRO-10 Spokesperson PMAJ Joann Navarro, pinaghahandaan na ng tanggapan ang pagpasok ng maraming importanteng personalidad sa Cagayan de Oro sa ikalawang linggo ng Nobyembre na makatutulong din sa pagpapataas ng turismo sa Hilagang Mindanao.

Inihanda na rin ng tanggapan ang deployment ng mga pulis simula Disyembre 1 para sa pagsalubong sa Pasko.

Kaugnay nito, ipinaabot ng pamunuan ng kepulisan ang kanilang pasasalamat sa mamamayan at partner agencies sa kooperasyong nagresulta sa payapang pagdiriwang sa rehiyon sa ilalim ng kampanyang Ligtas Undas 2026.