Itinaas na sa 90 porsyento ng lungsod ng Cagayan de Oro ang paghahanda laban sa inaasahang epekto ng Super El Niño.
Ibinunyag ni Acting City Information Officer Jade Adeser na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng City Hall sa Cagayan de Oro Water District at Bureau of Fire Protection para sa isasagawang water rationing sa mga barangay.
Nagbabala ang opisyal na posibleng mabawasan ang suplay ng tubig dahil sa mataas na demand sa panahon na darating ang peak ng tagtuyot mula Nobyembre hanggang Mayo ng susunod na taon.
Tiniyak naman ng CIO na may pondo na ang lungsod upang matiyak ang pagpapatupad ng lahat ng contingency plan.









