Magsasagawa ng mabilisang pagpupulong ang Committee on Public Order and Safety ng City Council para sa paghihigpit laban sa pagpasok ng ilegal na droga sa lungsod.

Kinumpirma ni Committee Chairperson at Konsehal Roger Abaday na iimbitahan sa naturang pagpupulong ang mga tanggapan ng PDEA, PNP, Coast Guard, at ang Liga ng mga Barangay upang mapalawak ang inter-agency information sharing.

Ipinaliwanag ng opisyal na kinakailangang magkaisa ang mga law enforcement agencies sa paliparan at daungan dahil sa paggamit na ng mga transnational syndicates ng eroplano at barko.

Iginiit ng konsehal na dapat mapigilan at hindi talaga makapasok ang mga kinargahang shabu sa Cagayan de Oro.