Hinimok ni Committee on Public Order and Safety Chairperson Konsehal Roger Abaday ang Philippine Drug Enforcement Agency na magpadala ng Information and Education Campaign sa mga barangay ng Cagayan de Oro.
Ito ay matapos magduda ang opisyal na posibleng nakapasok na sa lungsod ang ilang suplay ng shabu na nakumpiska ng kepulisan sa mga karatig-lugar.
Iginiit ng konsehal na mahalagang maturuan ang mga Barangay Anti-Drug Abuse Council at mga tanod kung paano mag-detect at mag-identify ng mga sangkot sa droga.
Ayon kay Abaday, malaki ang papel ng komunidad sa pagsugpo sa ilegal na droga kaya kinakailangang malaman ng mga pamilya ang mga sintomas at asal ng mga sangkot dito.











