Hindi nakapigil sa pagpapahayag ng pambabatikos ang grupong SENTRO para sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin nito ng malinaw na plano laban sa banta ng Artificial Intelligence o AI sa mga trabaho sa bansa.
Nagpahayag ang Secretary General ng grupo na si Joshua Mata na kahit sa kaunting panahon, kinakailangan nang maghanda ang gobyerno sa pagpasok ng mga makinang pwedeng mag-takeover sa kabuhayan ng mga manggagawa.
Para sa grupo, katawa-tawa na magsalita ang gobyerno sa mga estudyante na mag-aral nang mabuti habang nananatiling salat ang mga oportunidad sa trabaho.
Kaya naman ang panawagan ng grupo, kinakailangang mag-invest sa industrial policy ang gobyerno upang matiyak ang tunay na kabuhayan ng taumbayan.











