Hindi dapat ikabahala ang pagdomina ng mayorya ng Democratic Party sa nakaraang US midterm elections kahit pa man isang Republican na si US President Donald Trump ang humahawak sa executive power sa bansa ng Amerika.

Ito ang ipinaliwanag ng geopolitical expert na si Professor Lucanus Azrael Igot alinsunod sa bagong resulta ng halalan sa Estados Unidos.

Ibinunyag ni Igot na imbes na magdulot ng pagtatalo, mas magdadala pa nga ito ng magandang balanse sa pag-administer at pag-oorganisa ng mga prayoridad na polisiya at proyekto sa naturang malaking bansa.

Batay dito, ipinahayag ng eksperto na ang bawat partido ay may iba’t ibang paraan ng pamamahala na makatutulong sa mas maayos na pagpapatakbo ng pamahalaan sa Estado.