Manginganganib na maparusahan sa ilalim ng kasong under-fare at over-fare ang kanino mang drayber ng jeep na magreresulta sa sariling pagpapababa o pagpapataas ng pamasahe nang walang utos ng gobyerno!

Ipinaliwanag ni UNIDA President Joel Gabatan na hindi pwedeng gamitin ng mga drayber ang bagong ₱16 na rollback upang makipagkumpitensya sa pamamagitan ng pagpapamura ng kanilang pamasahe.

Ibinunyag ni Gabatan na kahit pa man sa pagbaba ng presyo ng langis, ipinagbabawal sa ilalim ng regulasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pagbawi sa pamasahe na hindi pa dumadaan sa taripa at public hearing.

Kaya naman nagbabala ang opisyal sa mga drayber na maghintay talaga ng opisyal na kautusan mula sa tanggapan upang hindi magbayad ng malaking multa.