Nasa peligro ang suplay ng pagkain sa bansa sa oras na lubos nang tumama ang inaasahang Super El Niño.

Ito ang ibinabala ni Former Misamis Oriental Vice Governor at Ekonomista na si Joey Pelaez kung saan ibinunyag niya na walang sapat na pondo ang gobyerno sa paghahanda dahil nagmula lamang sa utang ang badyet ng bansa.

Kaya naman ang payo ng ekonomista sa taumbayan, magdasal at magsikap na lamang sa sariling paraan upang makapaghanda sa kanilang sarili.

Sa gitna ng banta ng krisis, umaasa ang dating opisyal na mananatili pa rin ang pag-asa ng taumbayan at magdiriwang ng payapang Pasko.