Nanawagan ang mga propesor sa akademya sa obhetibo at transparent na pagtimbang sa mga ebidensya sa nagpapatuloy na impeachment trial laban sa Bise Presidente.

Ito ay matapos maobserbahan ni Ateneo de Davao University Professor Christopher Ryan Maboloc na tila mayroong pre-judgment o tapos na agad ang hatol ng ilang Senator-Judges kahit hindi pa natatapos ang paglilitis.

Ipinaliwanag ni Maboloc na ang tanging hinihingi ng publiko at ng akademya ay ang katarungang nakabatay sa tamang pagpapatupad ng due process.

Kaya naman pinanindigan ng propesor na ang karapatan ng bawat testigo at ang paglabas ng katotohanan ang kinakailangang maghari sa impeachment court at hindi ang pamumulitika o personal na pag-atake sa mga testigo.