Lumabas na nadawit pa nga sa sariling mga testigo ang kampo ng depensa ni Vice President Sara Duterte at nakita na may kaugnayan ang bise presidente sa GenCorp at Metro Chow sa kasalukuyang pagdinig sa impeachment trial.

Ayon kay dating Cagayan de Oro City Councilor Atty. James Judith, imbes na linawin ang mga alegasyon ng prosekusyon, lumabas sa mga teknikal na pagtatalo ukol sa return on capital at return of capital na may koneksyon ang bise presidente sa mga naturang negosyo.

Dugtong pa ng abogado na bigo rin ang depensa sa pagpiprisinta ng matibay na dokumento upang kontrahin ang sinasabing forensic data ng testigo ng prosekusyon na si Atty. Alex Cabrera, kung saan nakuntento na lamang sila sa pagtanggi.

Kaya naman binigyang-diin ni Judith na sa ilalim ng rules on evidence, nananatiling lamang ang House prosecution panel sa paglalatag ng mga alegasyon ukol sa unexplained wealth at conflict of interest laban sa bise presidente.