Hindi ang mga illegal miner kundi ang mga malalaking kompanya ng pagmimina na may pahintulot ng gobyerno ang pinakamalaking kalaban ng mga katutubo at ng kalikasan.
Ibinunyag ni Youth for Climate Justice Mindanao Coordinator Khyle Sabellano na dahil sa pangangailangan ng Pax Silica, mas lalawak pa ang mga legal at protektadong minahan na may tamang papeles at ginagabayan pa ng kepulisan.
Dagdag pa ni Sabellano, nagbibigay ito ng seryosong banta sa mga lupang ninuno at sa seguridad ng mga aktibista sa kalikasan na naninindigan laban sa pang-aabuso sa likas na yaman ng Pilipinas.
Nanawagan ang coordinator sa publiko na harangan ang naturang kasunduan na nagbibigay ng legal na kapangyarihan sa mga dayuhan at malalaking negosyante sa pagwasak sa kabundukan ng bansa.











