Ipinagtanggol ni United States President Donald Trump ang malapit na relasyon kay Russian President Vladimir Putin sa kabila ng malawakang pambabatikos ng mga Amerikano matapos atakihin ng Russia ang Ukraine.

Iniulat ni Bombo Senior International News Correspondent Bombo Dolly Ilogon mula sa New York City na maraming mamamayan sa Estados Unidos ang hindi natuwa sa naturang pagkakaibigan, ngunit pinanindigan pa rin ni Trump ang pagtawag kay Putin bilang isang kaibigan.

Idinagdag ng Bombo correspondent na tumanggi si Trump na ibunyag sa publiko sa Amerika kung anong uri talaga ng pagkakaibigan ang nagbubuklod sa dalawang lider.

Nilinaw ni Ilogon na nananatiling kontrobersyal sa Estados Unidos ang pagiging malapit ni Trump sa lider ng Russia sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Ukraine.