Pinahigpit ngayon ng City Social Welfare and Development o CSWD ang pagpapatupad ng kampanya laban sa panlilimos sa lansangan sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Nagpahayag si CSWD Oro Response and Processing Center Officer Cherikhawa Khawa Paña na walang tigil ang pag-iikot ng naturang tanggapan sa lungsod nang isa hanggang dalawang beses bawat linggo hanggang sa gabi kasama ang Cagayan de Oro City Police Office upang magsagawa ng reach out operations.

Ipinagbigay-alam ni Paña na tinuruan ng CSWD ang mga Badjao at mga miyembro ng Indigenous Peoples na ipinagbabawal ang panlilimos sa lungsod ngunit pinahihintulutan ang pagtitinda ng mga produkto. Idinagdag ng opisyal na ini-refer din ng ahensya ang mga naturang indibidwal sa mga non-government organizations na nag-aalok ng mga programa at serbisyo para sa kabuhayan.