Binuhat ng pribadong sektor ang pag-abot ng Northern Mindanao sa trillion threshold ng ekonomiya matapos mag-lie low ang paggastos ng gobyerno sa mga proyektong imprastraktura dahil sa mga kontrobersya sa ghost flood control projects.

Binigyang-diin ni Cagayan de Oro Chamber of Commerce and Industry Foundation President Engr. Almarico Brito na sa kabila ng pagbagal ng public infrastructure spending, nagpatuloy ang mga negosyante sa pagbubuhos ng puhunan dahil sa awa sa mga manggagawang umaasa sa kanilang kabuhayan.

Nilinaw ni Brito na hindi huminto ang mga lokal na negosyante sa paghahanap ng paraan upang hindi maparalisa ang negosyo sa gitna ng mahirap na sitwasyon.

Binigyang-diin ng lider ng Oro Chamber na magpapatuloy ang grupo sa pagsuporta sa pribadong sektor upang manatiling buhay ang trabaho sa lungsod at sa buong rehiyon.