Ipinanawagan ng National Union of Journalists of the Philippines sa gobyerno na pabilisin ang lubos na pagpapatupad ng hustisya para sa mga biktima ng madugong Ampatuan Massacre matapos ang paggunita sa ika-17 anibersaryo nito kahapon.

Muling isinulong ni NUJP Vice Chairperson Kath Cortez ang pagkilala ng korte sa ika-58 biktima na si Reynaldo Momay, ang pagbabayad ng danyos sa mga kaanak, at ang pagpapanagot sa lahat ng mga suspek na nananatiling malaya.

Ipinaliwanag ni Cortez na wala pang finality ang December 2019 na hatol ng Regional Trial Court dahil sa iniapelang motion for reconsideration ng mga akusado sa Court of Appeals.

Dagdag ng opisyal ng grupo, patuloy ang pambansang panawagan ng mga miyembro ng media at student journalists upang hindi makalimutan ang karumal-dumal na krimen na ikinasawi ng 32 mamamahayag kabilang na si Bombo Bart Maravilla ng Bombo Radyo Koronadal.