Nanawagan si Gabriela Women’s Party Representative Dr. Jean Lindo sa National Commission on Indigenous Peoples na ipatupad ang tamang proseso ng Free, Prior, Informed Consent (FPIC) at huwag pabayaan ang karapatan ng mga katutubo sa gitna ng isyu ng Pax Silica.
Inakusahan ni Lindo ang ahensya na umano’y binago ang pamantayan ng FPIC upang ma-accommodate lamang ang malalaking korporasyon habang mahigpit ito sa mga ordinaryong researcher.
Ikinabahala ng pangkat ng kababaihan na maaapektuhan ang mahigit 1,600 ektaryang ancestral lands at ang kabuhayan ng mga kababaihang katutubo dahil sa pagtatayo ng data center at pagmimina ng silica.
Muling binigyang-diin ni Lindo na nararapat igalang ng ahensya ang totoong boses ng mga katutubong komunidad at iwasan ang pagsasagawa ng gatekeeping.











