Tinututukan nang mabuti ng pamahalaang panlalawigan ng Misamis Oriental ang epekto ng Super El Niño sa mga pananim matapos makatanggap ng paunang ulat ukol sa pinsala sa agrikultura.
Sinabi ni Misamis Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Fernando Vincent Dy Jr. na araw-araw nag-a-update ang Technical Working Group at ang tanggapan sa agrikultura ukol sa kalagayan ng mga high-value crop tulad ng mais, tabako, at saging, lalo na sa ikalawang distrito ng lalawigan.
Samantala, ang Provincial Agriculturist at mga municipal agriculturist ang mas makapagbibigay ng tamang gabay sa mga magsasaka kung magpapatuloy ba o hihinto muna sa pagtatanim.
Dagdag pa ng hepe ng PDRRMO, hindi dapat ituring na mali ang forecast ng El Niño dahil lamang sa ilang pag-ulan, kundi gamitin ito bilang pagkakataon upang makapaghanda na nang maaga.











