CAGAYAN DE ORO CITY – Kakaibang Cagay-anon boxing silver medalist na Carlo Paalam ang makikita ng fans sa pagsabak nito sa kanyang mga makakalaban sa 2024 Paris Olympics sa Pransya.

Ganito ang paglalarawan ni Philippine boxing coach Elmer Pamisa na matagal nang handler ni Paalam simula pa noong musmos pa ito hanggang umaabot sa kasikatan sa larangan ng boksing.

Sinabi Pamisa sa panayam ng Bombo Radyo direkta sa Paris na mas lalong bumangis sa loob ng lona si Carlo gamit ang bilis at talino.

Kampante rin ito na kaya ma-neutralize ni Paalam ang mga boksingero na makakalaban nito dahil nasubok na nito ang kanilang mga lakas sa mga nagdaan na sparring sessions bago ang opisyal na pagbukas ng Olympics kagabi.

Bagamat,pinayuhan pa rin ni Pamisa ang kanyang alaga na iwasa ang sobrang kumpiyansa bagkus ay mga kamao at diskarte na ang dapat mangingibabaw sa mga pagsabak na laban nito.