CAGAYAN DE ORO CITY – Huli ng PDEA-10 at Police Regional Office 10 ang mag-asawa at isang pang personalidad nang ipinapatupad ang joint search warrant operations kaugnay ng malawakang illegal drug trade sa Purok -4,Sto Tomas,Kapatagan,Lanao del Norte.
Ito ang kinompirma sa Bombo Radyo ni PDEA 10 regional director Emerson Rosales kung saan naaresto ng kanilang tropa kasama ang lower units ng PR0-10 sina Joel Jr at Mary Jane Sabad pawang nasa legal na edad at Arnulfo Jimoya na lahat residente sa lugar.
Sinabi ni Rosales na nagsilbing PDEA-10’s top 6 si Ginoong Sabad kung saan nakompiska mula sa kanila ang halos P100,000 halaga ng suspected shabu na inilagay sa mga personal na kagamitan nito.
Samantala,nakompiskahan rin si Jimoya ang P102,000 na halaga nang pinaghinalaang shabu sa kasagsagan ng operasyon.
Kaugnay nito,sasampahan ng kasong paglagbag ng Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong mga suspek na nakunan ng halos 30 gramo ng suspected shabu.










