CAGAYAN DE ORO CITY – Broken hearted ang pinaniniwalaang dahilan ng pamilya kung bakit nagpakamatay ang isang 24-anyos na padre de pamilya sa may Zone 9, Adelfa Extn., Macanhan, Brgy. Carmen nitong lungsod.

Ito’y matapos nakaramdam ng sobrang kalungkutan ang biktimang si Jerick Silma nang ito’y iniwan ng kaniyang ka-live in partner matapos makahanap ng bagong nobyo.

Ayon pa sa kapatid nito na si Irish Silma, sobrang nasaktan ang kaniyang kapatid ng malaman na may iba nang nagbibigay kasiyahan sa dati nitong ka-live in.

Nagpakamatay si Jerick sa pamamagitan ng pagtali ng nylon sa kaniyang leeg.

Sinubukan ngayon ng pamilya na makipag-ugnayan sa dating ka live in ni Jerick ngunit hindi na nila ito ma-kontak.