CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ni Police Captain Princess Velarde, spokesperson ng Misamis Oriental Police Office ang pagbomba ng Initao College, Brgy Jampason sa ganap 11:30 ng umaga, ng Initao, Misamis Oriental.
Sinabi rin ni Captain Velarde na kumpirmadong may mga sugatan at namatay subalit hindi pa nila maibibigay ang kabuuhang bilang ng mga casualties.
Kabilang sa napatay ay ang suspek na siyang nagdala ng granada, at 50/50 naman ang isang pulis ng maganap ang engkwentro.
Una rito inihayag ni Sam Felixberto, college registrar ng Initao College na nagwala ang suspek a loob ng kanilang gymnasium at sinabing may dala siyang granada.
Napilitang barilin ang mga rumesponding pulis ang suspek matapos itinapon ng suspek ang granada sa harap ng isang police operative na nakikipag negosayson sa kaniya.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.










