CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng Ozamiz City Police Office sa publiko na walang foul play sa pagkamatay ni Ex-Ozamis City Councilor Ardot Parojinog.

Ayon kay Police Major Peter Rhyan Revillas, hepe ng Ozamiz City Police na kaya nilang paninindigan na namatay sa cardiac arrest ang lider ng organized illegal drug syndicate base sa medical certificate galing sa doktor.

Ngunit, nilinaw din nito na hindi nila ipinagwalang bahala ang posibilidad na namatay ito sa dahil sa coronavirus disease lalo pa’t hinihintay pa nila ang resulta ng swab testing.
Sa ngayon, isinailaim sa disinfection ang police station kung saan namatay si Parojinog upang maseguro na hindi na kakalat pa ang bayrus.
Napag-alaman na namatay si Ardot Parojinog habang naka-local custody sa Ozamiz City.
Magugunitang nahaharap ito ng patung-patong na kasong kriminal bago ito naaresto habang nagtatago sa bansang Taiwan noong Mayo 2019 dahil sa nangyari kay Aldong na napatay sa grupo ni Espenido.
Ang mga Parojinog ay unang binansagan na nasa likod ng Kuratong Baleleng Gang kung saan utak umano ng high profile criminal cases tulad ng bank robberies,illegal drug trade at gun for hire activities sa ibang bahagi ng bansa.










