Nananatiling nagdurusa sa hirap ang mga biktima sa main affected areas ng Marawi City sa kabila ng mga bagong kalsada at estruktura siyam na taon matapos ang kaguluhan.
Ipinahayag ni Moro Consensus Group Chairman Drieza Lininding na malayo pa sa tunay na pagbangon ang lungsod dahil marami pa ring mga bakwit ang nakatira sa mga temporary shelter at umaasa sa ayuda.
Dagdag pa ng opisyal, mas higpitan pa ang pagbabantay laban sa violent extremism na nagmumula sa labas ng bansa upang maprotektahan ang komunidad.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa patuloy na pagbibigay ng tunay na suporta sa mga biktima at pagpapalakas ng kapayapaan sa buong rehiyon.











