Ipinaglaban ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang pagpapatuloy ng interconnectivity ng mga lungsod sa Mindanao sa pamamagitan ng pagbuhay sa Mindanao Railway Project na nasimulan pa sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinahayag ni Cagayan de Oro City Information Office Information Officer Jade Adeser na kabilang sa tinalakay sa LCP Board Meeting at sa Sisterhood City Agreement sa pagitan ng Cagayan de Oro at San Juan City ang paghingi ng pondo sa pambansang pamahalaan para sa naturang proyekto.
Dahil dito, ipinaliwanag na ang naturang hakbang ay magbibigay ng mas mabilis na biyahe at mas matibay na inter-island transport sa pamamagitan ng mga tulay at pampublikong sasakyan sa buong rehiyon.
Samantala, nananatiling nagkakaisa ang mga pinuno ng mga lungsod sa pagtulak sa naturang kahilingan upang mabigyan ito ng sapat na pondo para sa pag-unlad ng ekonomiya ng Mindanao.











