Hindi pwedeng gamiting dahilan ng Office of the Solicitor General ang judicial overreach upang pagtakpan ang ilegal na pagkuha sa pondo ng PhilHealth.

Ito ang pahayag ni United People’s Initiative President Atty. Virgilio Reyes Garcia sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo matapos ideklarang unconstitutional ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth patungo sa unprogrammed funds.

Nilinaw ng abogado na ginawa lamang ng hukuman ang trabaho nito sa pagpapatigil sa paglilipat ng bilyon-bilyong pisong badyet mula 2024 hanggang 2026.

Dahil dito, nanawagan ang grupo na sundin ng gobyerno ang desisyon upang maprotektahan ang pondo ng PhilHealth para sa taumbayan.