Pinalakas ng Presidential Communications Office (PCO) ang kanilang anti-fake news desk upang mabilis na matugunan at maipasuri ang mga maling impormasyon na kumakalat sa social media.
Ipinahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kagahapon sa isang press conference dito sa lungsod ng Cagayan de Oro na hindi na pwedeng pabayaan at balewalain ang fake news dahil sinisira nito ang kredibilidad ng gobyerno at ng mismong lehitimong mga kasapi ng media.
Nanawagan din ang opisyal sa publiko na mag-ingat at magsuri sa pamamagitan ng pag-tsek at pag-verify sa bawat balita na nagmumula sa mga karaniwang pinagmumulan ng impormasyon tulad ng mainstream at state media.
Hiningi rin ng PCO sa mga mambabalita na mag-ingat sa paggawa ng mga quote card upang maiwasan ang pagbibigay ng maling pagkaunawa sa ipinahayag ng mga opisyal.











