Nagbabala ang ekonomista at dating Misamis Oriental Vice Governor na si Joey Pelaez sa publiko na maghanda sa mas matinding kapahamakan sa ekonomiya at pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa darating na taon.

Ipinaliwanag ng ekonomista na malaki ang inaasahang epekto ng Super El Niño sa suplay ng pagkain, na mas pinatindi pa ng sinasabing maling pamamahala ng pamahalaan.

Binatikos din ni Pelaez ang paglalaan ng pondo ng Kongreso para sa mga pampolitikang proyekto at ayuda imbes na unahin ang pagprotekta sa ekonomiya ng bansa.

Kaya naman, ipinaalala ng opisyal sa gobyerno na seryosohin ang paghahanda upang hindi magdusa ang mamamayang Pilipino.