Nilinaw ng ekonomista na si Former Vice Governor Joey Pelaez na hindi dapat ikabahala kundi dapat pa ngang tingnan bilang malaking oportunidad sa Pilipinas ang nananatiling murang halaga ng US Dollar.
Sinabi ni Pelaez na sa gitna ng malaking pagbabago sa politika ng Estados Unidos matapos ang midterm elections, nananatiling may malaking pakinabang para sa mga lokal na negosyo, importasyon, at sa mga pamilya ng OFWs ang kasalukuyang takbo ng foreign exchange rate.
Ayon sa opisyal, ang pagdomina ng mga mambabatas na nagbibigay ng linaw sa mga polisiya sa pananalapi ang nagbibigay ng katiyakan na hindi guguho ang merkado.
Kaya naman, tiniyak ng ekonomista na kung tamang pamamahala ng gobyerno ang ipatutupad, magsisilbing daan ang naturang sitwasyon upang patibayin ang pundasyon ng ekonomiya ng bansa.










