Itinuro ni dating Cagayan de Oro City Mayor at propesor na si Atty. Oscar Moreno ang malaking pagkakasalungat sa pagitan ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni Vice President Sara Duterte at ng rekord ng korporasyong GenCorp.

Batay sa pagsusuri ni Moreno sa mga testimonya sa Senate impeachment trial, ipinahayag ng mga testigo na walang partisipasyon ang bise presidente sa GenCorp ngunit lumabas sa cross-examination na mayroong 48 libong pisong investment loss ang opisyal sa naturang kompanya.

Ipinaliwanag ng abogado na habang idineklara ng bise presidente sa dalawang taon na SALN ang interes sa GenCorp, hindi ito isinama sa General Information Sheet na isinumite ng kompanya sa Securities and Exchange Commission.

Punto ni Moreno, ayon sa presentasyon ng prosekusyon, delikado ang bise presidente kung lalabas ang interes nito sa GenCorp dahil nakapasok ang naturang kompanya sa 19 na kontrata kasama ang City Government of Davao.