‘Inaprubahan ng House of Representatives ang Committee Report 261 kaugnay ng impeachment complaints laban kay VP Sara Duterte matapos makakuha ng 255 boto pabor, 26 tutol, at 9 abstentions sa isinagawang nominal voting ngayong araw.Dahil dito, muling na-impeach si Duterte matapos makuha ng Kamara ang kinakailangang bilang ng boto upang maipadala sa Senado ang Articles of Impeachment para sa paglilitis.Ayon sa Konstitusyon, kinakailangan lamang ng hindi bababa sa isang-katlong boto ng mga miyembro ng Kamara upang maisulong ang impeachment case sa Senado.Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin sa plenaryo ang paglalahad ng ilang mambabatas ng kanilang manifestations at paliwanag kaugnay ng naging boto nila sa impeachment proceedings laban sa Bise Presidente. |











