CAGAYAN DE ORO CITY -Binatikos ni Atty. Rowena Guanzon ang pamahalaan sa labis na pagtutok sa impeachment habang lumalala ang krisis sa ekonomiya.

Ayon sa kanya, walang malasakit ang pamunuan sa inflation at sa pagtaas ng palitan ng piso sa ₱64 kada dolyar.

Tinuligsa niya ang pahayag ng Bangko Sentral Governor tungkol sa pagtitipid habang tumatanggap ng ₱30 milyon na suweldo at ₱1 milyon discretionary fund.

Binanggit din niya ang kakulangan ng kaalaman ng mga pinuno ng DA at DPWH. Nakatakda siyang makipag-usap sa mga estudyante upang ipaliwanag ang tunay na sitwasyon ng bansa.