CAGAYAN DE ORO CITY – Binisita ni PNP Chief Archie Gamboa ang lamay ng binansagang “Hero Cop”, ng Initao Misamis Oriental, ngayong umaga.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, inamin ni Gamboa na lubos ang kanyang pagdadalamhati matapos niyang makita ang video kung saan ginamit ni Police Senior Master Sargeant Jason Magno ang kanyang katawan upang saluin ang hand grenade na inihagis ng nagwalang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa loob ng Initao College.

Kasabay ng pagawad ng medalya, ibinigay rin ni Gamboa sa naiwang pamilya ng PSMgt Magno ang aabot sa P600,000 Cash assistance.

Nganyong hapon, aasahang dadating si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay sa hepe ng PNP.