CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ng pinag-isang operation ng special units ng Police Regional Office 10 at kasama ang ilang regular police stations ang dalawa sa maraming miyembro ng umano’y gun for hire armed group na kumikilos sa bayan ng Tangkal,Lanao del Norte.

Photos from PRO 10’s Infomration Office

Kinilala ni PRO 10 Director Brig Gen Benjamin Acorda Jr ang mga suspek na sina Cabantog Managsa Alompo,46 at Madrigal Managsa Alompo,41,kapwa na may asawa at nakatira sa nabanggit na bayan.

Ayon sa heneral hinuli ang mga ito dahil sa ipinatupad na dalawang search warrants kung saan nakunan sila ng klase-klaseng matataas na mga baril,mga bala at kagamitang pangdigma.

Tinukoy ni Acorda bago naaresto ng Regional Special Operations Unit 10 ang mga salarin ay isinangkot ang mga ito sa umano’y mga kaguluhan sa nakaraang mga halalan sa lugar.