CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinag-utos ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao – Police Regional Office Director Brigadier General John Guyguyon sa kanyang mga tauhan malawakan na pagtukoy sa mga taong nasa likod ng multi-million na halaga ng mga itinanim na marijuana sa ilang barangay ng Maguing,Lanao del Sur.

Kasunod ito nang pagka-diskobre at pagkompiska sa nasa 160,000 puno ng fully grown marijuana na mayroong estimated value na P32,000,000 na itinanim sa mga barangay ng Dilimbayan at Pindulonan sa nabanggit na lugar nitong buwan lamang.

Sinabi ni Guyguyon na bagamat nakatakas ang mga nasa likod marijuana plantations subalit hindi nilubayan ng kanilang mga tauhan kasama ang kasundaluhan ang pagtugis upang ito ay hindi na manumbalik sa ilegal nga gawain.

Magugunitang matapos ma-uproot ang lahat ng mga puno ng marijuana ay agad itong sinunog ng mga otoridad upang maiwasan na magamit pa upang ibenta sa publiko.

Napag-alaman na isa lamang ang plantasyon ng marijuana ang pino-problema ng mga otoridad sa nasabing bayan sapagkat ilang beses na rin na mayroong kilo ng shabu ang nakompiska ng raiding teams ng PDEA-BARMM,PNP at AFP.










