Malakas ang paniniwala ni Ray Talimio Jr., Co-Chairperson ng Economic Development Committee RDC-X, na posibleng magkaroon ng kaguluhan at mas lumakas ang tensyon sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong darating na Hunyo.

Ibinunyag niya na malaki ang posibilidad na gamitin ni Pangulong Marcos ang executive prerogative upang hindi makadalo ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng NBI, PNP, at DOJ sa naturang pagdinig.

Dahil dito, maaaring mapilitan ang komite na maglabas ng subpoena at umabot pa sa pag-cite ng contempt laban sa mga opisyal na hindi susunod sa kanilang proseso.

Dagdag pa ni Talimio, mahalagang mas marami ang miyembro mula sa majority bloc sa komposisyon ng komite upang matiyak na mapipirmahan pa rin ang final report kahit hindi pumirma ang mga minority senators.