CAGAYAN DE ORO CITY – Aabot na sa dalawampo ang kaso ng votebuying mula sa isang lungsod at tatlong probinsya ng Northern Mindanao.
Ayon kay Police Brigadier General Rafael Santiago, Jr., ang regional director ng Police Regional Office 10 na kabilang sa may pinaka maraming kaso ang naitala sa bahagi ng Iligan City (7), Lanao del Norte (5), at tigdalawang kaso mula sa probinsya ng Bukidnon at Misamis Occidental.
16 katao ang inaresto.
Mahigit P1-Milyon ang halaga nga salapi na sanay pambili ng mga boto ang nasabat ng mga operatiba sa nasabing mga lugar.
Samantala, nasa 347 assorted loose firearms ang naisurrender nitong rehiyon.
Tumaas pa sa 187 ang nakumpiska sapamamagitan ng police check points at pag-issue ng search warrants, kung saan nasa 193 ka tao ang inaresto.
Kasong paglabag ng election gun ban at illegal possession of firearms ang isinampa laban sa mga naaresto.