CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhan na nang serious illegal detention ang dalawang police officers na may kaugnayan diumano sa pagka-missing ng kanilang kasamahan na si Police Corporal PJ Capangpangan sa Iligan City.

Ito’y matapos malaki ang paniniwala ng pamilya ng biktima na may kaugnayan sa nangyaring krimen sina Staff Sgt Melboni Labian ug Sr Master Sgt Ronawal Bagundol.

Ayon kay Iligan City Police Office spokesperson Maj Sheryl Valderama na hinintay nila ngayon ang resulta ng imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives o SOCO upang madagdagan pa ang kasong isampa laban sa kanila.

Napag-alaman na humingi ng preliminary investigation ang mga suspek sa kinahaharap nitong krimen kung kaya’t temporaryo silang naka-detain sa Iligan City Police Office.

Si Iligan City Police Office spokesperson Maj Sheryl Valderama

Kung maalala, si Capangpangan ang dating close in bodyguard ni City Mayor Celso Regencia.