CAGAYAN DE ORO CITY – Napilitan ang korte na e-reset ang criminal case arraignment laban kay Kabus Padatoon (KAPA) founder Joel Apolinario dahil naka-quarantine ang handling presiding judge na humawak nito sa Cagayan de Oro City.

Ito ay napasok ng COVID-19 ang Cagayan de Oro Hall of Justice kung saan ilan sa mga empleyado nito ay nahawaan na rin kaya hiningi sa city government na pansamantala na matigil ang operasyon at serbisyo para sa publiko.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Security and Exchange Commmission (SEC-10) regional director Atty Reynato Egypto na nakatakda na sana dadalhin si Apolinario kasama ang kanyang maybahay na si Reina para basahan ng kanilang kaso subalit iniurong dahil sa mataas na banta ng bayrus.

Inihayag ni Egypto na kabilang sila na naka-monitor dahil mayroong kaso rin na kinaharap ang mag-asawa sa SEC dahil sa paglabag ng special law kaugnay sa kinasangkutan na humingi ng donasyon sa kanilang ‘willing victims’ at ginawa na invesment capital para magtayo ng ibang mga negosyo.

Magugunitang ilang buwan na nagtatago ang mag-asawang Apolinario hanggang natunton at nahuli ng gobyerno sa Caraga region matapos ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang buwagin ang grupo dahil sa malawakang panloloko na ginawa sa mga tao.

Si Security and Exchange Commmission 10 regional director Atty Reynato Egypto

Si Apolinario at ang incorporators nito ay nahaharap rin sa ibang mga kasong kriminal partikular sa Caraga at SOCKSARGEN areas kaugnay pa rin sa kanilang pinasok na investment capital scam.