CAGAYAN DE ORO CITY – Nakakulong pansamantala sa mini-cell ng pulisya ang driver ng isang cargo truck na mayroong karga na falcata logs na nag-resulta pagtamo-sugat ng 11 pasahero sa Purok 7,Barangay Rosario,Tagoloan,Misamis Oriental.

Photos from MisOr PNP (Tagaloan Police Station)

Ito ay matapos nahulog ang truck sa bangin kaya nagkaroon ng iba’t-ibang sukat ng sugat ang katawan ng mga nakisakay lamang na mga residente sa truck na minaneho ni Jessie Metillo na tubong taga- Kapatagan,Lanao del Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Misamis Oriental Provincial Police Office Director Col Raniel Valones na papalabas mula sa interior road ang truck papunta sa main highway ng probinsya nang mawalan ng preno sa makurbada na bahagi dahilan nawalan ng kontrol hanggang bumangga sa barrier ng DPWH at nahulog sa bangin.

Inihayag ni Valones na agad isinugod sa Saint Paul Hospital ang mga biktima na lahat mga residente lang sa nabanggit na bahagi ng lalawigan.

Kabilang sa mga sugatan ang mga biktima na sina Edmar Oman,Julius Balaba,Freddie Boy Picato,Geandy Caga,Jonas Atcueta, Isidro Cagat-Cagat, Jofran Licayan,Emmanuel Jaradal, Roland at Brian Jaudian maging si Isidro Aquiman.

Si Misamis Oriental Provincial Police Office Director Col Raniel Valones

Sinabi ng opisyal na masasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries kapag hindi magkaroon ng amicable settlement sa pagitan ng driver o employer nito at mga biktima.