Hindi pa nalalaman ng mga biktima ng Marawi Siege kung kailan sila mababayaran siyam na taon matapos ang naturang kaguluhan sa lungsod.

Ipinahayag ni Moro Consensus Group Chairman Drieza Lininding na hanggang ngayon ay wala pa sa kalahati ng mga pamilya ang nababayaran ng Marawi Compensation Board at mahigit tatlong libo pa lamang ang nakatatanggap mula sa kabuuang labintatlong libong claimants.

Dagdag pa ng opisyal, ang dahilan ng pagkaantala ay ang kabagalan ng proseso ng dokumento, kakulangan sa badyet mula sa pambansang pamahalaan, at ang paglilipat ng mga papel sa National Housing Authority.

Kaya naman nanawagan ang grupo sa mabilis na aksyon upang maipagkaloob na ang katarungan at tamang bayad sa libo-libong bakwit na nagdurusa pa rin sa mga pansamantalang pasilidad.