Nagbabala ang Kilusang Mayo Uno sa gobyerno na posibleng sumiklab din sa Pilipinas ang malaking protesta tulad ng sa France kung magpapatuloy ang pagbibingi-bingihan sa hiling ng mamamayan.

Ipinahayag ni Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis na pinupuri ng pangkat ang tapang ng mga kabataan sa France laban sa budget cut sa edukasyon at kalusugan, ngunit naniniwala ang grupo na hindi kailangang humantong sa pagsira at pagmamasama ng ari-arian ang kilos-protesta sa bansa.

Dahil dito, ipinaalala ng lider sa gobyerno ng Pilipinas na nararapat pakinggan ang lehitimong panawagan ng mamamayan imbes na hintayin pa ang pag-alpas ng galit ng publiko.

Gayunpaman, nananatiling malaking inspirasyon sa samahan ang pagtatanggol ng mga manggagawa sa ibang bansa upang mas mapalakas pa ang pagtatanggol sa batayang pangangailangan ng mga Pilipino.