Walang patid ang pagdagsa ng mga pasyenteng isinasailalim sa pag-atake ng demonyo sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Ibinunyag ni Rev. Fr. Roberto “Jun” Balsamo Jr., Exorcist ng Archdiocese of Cagayan de Oro, na karamihan sa kanilang hinahawakang mga kaso sa kasalukuyan ay demonic oppression at obsession na kadalasang nagbibiktima sa mga kabataan o teenagers.
Ipinaliwanag ng pari na isa sa mga pangunahing dahilan ng naturang problema ay ang pagkawala ng dasal sa loob ng pamilya, pag-iwas sa kumpisal, imoral na pamumuhay, at ang pagkahumaling sa social media at pornography ng mga kabataan.
Dahil dito, nanawagan ang exorcist sa mga magulang na ibalik ang pag-a-Rosaryo gabi-gabi at ang regular na pagsisimba upang hindi maagaw ng masamang espiritu ang kanilang pamilya.











