CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli sa pamamagitan ng entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang abogado na taga Cagayan de Oro City sa mismong opisina ng Land Registration Authority Office ng San Victores St,Brgy 9,Malaybalay City,Bukidnon.
Ito ay dahil sa umano’y paglabag sa graft and corrupt practices act at direct bribery.
Kinilala ang suspek na si Atty Manuel Felicia,62 anyos,may asawa,head ng Registry of Deeds-Bukidnon at residente ng Brgy Macasandig nitong lungsod.
Ayon kay CIDG-10 deputy director Lt Col Napoleon Carpio, hinuli nila si Felicia matapos ang reklamo ni Atty Policarpio Inson Catalan na taga Purok Masiglan,Brgy Salawagan,Quezon,Bukidnon.
Aniya, modus operandi na ng suspek na humingi ng pera sa mga kliyente ni Catalan upang mapadali ang pag-aprobar at pag-release ng certificate of land title.
Narekober naman galing sa suspek sa panahon ng operasyon ang P5,000 na halaga ng pera.










