CAGAYAN DE ORO CITY – Magpapalabas na ng resolusyon ang konseho ng Cagayan de Oro City ukol sa ipapatayong Casino sa loob ng piling malls nitong syudad.

Sa panayam ng Bombo Radyo CDO sinabi ni city councilor George Goking na si Konsehal Zaldy Ocon ang mangungu sa pagdinig kung saan inanyayahan ang lahat ng mga interesadong partido na marinig ang argumento ng mga proponents sa itatayong casino.

Nasa pitong konsehal na ang nagpahayag ng kanilang interes na sumali sa pagdinig.

Una rito, iginiit ng nagmamay-ari ng Lim KetKai Malls nga lalong bubuhos ang turista at aangat ang ekonomiya sa lungsod oras na mabuksan ang mga legal na casino.