CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaiigting pa ng pulisya ang kanilang pagtugis laban sa nasa likod nang pagbaril ng isang opisyal ng kolehiyo ng Tagoloan,Misamis Oriental.

Ito ay kahit nakaligtas na ang si Dr Frederick Gomez na nagsilbing dean ng Education at maging sa Arts and Sciences ng Tagoloan Community College (TCC) nang mabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatalikod sa bisinidad ng paaralan.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Tagoloan Police Station commander Capt Mark Allan Dungca na hawak na nila ang mga kuha na CCTV cameras bago at pagkatapos ng pangyayari kung saan hindi napuruhan ang biktima.

Inihayag ni Dungca na anggulo kaugnay ng kanyang trabaho sa paaralan at personal ang kanilang ikino-konsidera sa imbestigasyon sa nangyari sa biktima.

Tumanggi naman kompirmahin ng PNP na dahil sa bangayan ng mga posisyon sa loob ng paaralan ang nasa likod nang pamamaril.

Kaugnay nito,nag-offer na si Tagoloan Mayor Gomer Sabio ng P200,000 na cash reward money para sa mga tao na mayroong direktang alam sa motibo ng kremin at kung paano matunton ang utak ng kremin.

Si Tagoloan Police Station commander Capt Mark Allan Dungca

Sa ngayon,nasa mahigpit na pangangalaga ang biktima sa isang pribadong ospital sa Cagayan de Oro City.