CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuring ni Committee on Civil Service and Professional Regulation chairman ug Iligan City lone District Rep.Frederick Siao na malaking hamon sa kaniya ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ang iilang probisyon ng Continuing Professional Development o (CPD) law.

Aminado si Siao na nakatanggap sila ng kaliwa’t kanang reklamo may kaugnayan sa requirement na kinakailangan ng mga Filipino professionals na kumuha ng karagdagang pormal at di-pormal na pag-aaral bago nila ma-renew ang kanilang mga lisensya at identification cards.
Aniya, sinang-ayonan niya ang pahayag ng pangulo ng bansa na pabigat lamang at hindi makatotohan ang mga seminars lalo na sa panahon ng pandemya.

Dahil dito, tiniyak ni Siao kay Pres Duterte na bilang chairman ng komitiba ng Civil Service and Professional Regulation, gagawa siya ng hakbang upang ayusin ang mga kakulangan ng batas.

Kahit siya ay sumang-ayon na kailangang isuspende ang CPD training sa loob ng tatlo at limang taon.
Napag-alaman na si dating Sen Antonio Trillanes na kilalang kritiko ni Pres Duterte ang siyang may akda ng Continuing Professional Development (CPD) Act of 2016 (Republic Act 10912).










