CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na ibabalik pa sa Maynila bagkus ay agad nang ipapalibing ang mga labi ng kontrobersyal na dating city elected official ng Ozamiz City,Misamis Occidental na si Ricardo ‘Ardot’ Parojinog.

Ito ay matapos natagpuang patay sa loob ng selda si Parojinog habang naka-kustodiya sa mini-cell ng Ozamiz City Police Station kahapon ng umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office-10 Director Brig Gen Rolando Anduyan na ito ang napag-desisyonan ng kanilang top officials sa Camp Crame dahil sa dala na panganib na magkahawaan pa ng coronavirus disease ang mga makapaligid na mga tao sa namatay’ng akusado.
Inihayag ni Anduyan na nakipag-ugnayan na rin ang pamilya ni Ardot at hiningi ang pahintulot na mabigyan ng pormal na libing sa kanilang lugar.
Si Ardot ay babasahan sana ng kanyang mga kasong kriminal sa korte kaya iniluwas mula Maynila subalit nadiskobre itong nasawi na sa loob ng selda.
Magugunitang nakitaan ang katawan ni Ardot ng cardio pulmonary arrest secondary to cardio vascular disease and probable COVID-19 disease ng isinailalim ito ng medical evaluation kahapon.










